Paligoyligoy

Provide information, share experiences and anything under the sun...

Thursday, October 20, 2011

Android or iOS?

I have been wondering which is the best Operating System or Device that I may use.... hmmmmmm??? A good question... 

People have been fascinated with things about the Iphone and Ipads now a days. They say Apple Products are the best. "We have Itunes, App Store and Even Icloud and SIRI"


But wait here comes Android with a wide variety of versions


So again which one do we need to have?

Let us put it this way if you want an Android OS / Device here are some of the things to know:

1. Android OS is open source meaning if you know how to modify or do programs you may and you can modify the OS as you wish

2. You can do multitasking in Android similar on how you multitask in Personal Computers.

3. Adobe Flash support it. So you can browse the web "totally" unlike iOS you need to have a custom Apps for it.

4. Handsets and Tablets lots of it...

5. Free Apps on Android Market

Now how about iOS for Apple Products?

1.iCloud, PC-Free/Wireless Sync, you may sync files and data and sync it to other apple device.

2. iMessage as long as your your friend or family uses a Apple device with iOS 5 you can send message to them via Wi-Fi or 3G network for free as well as photos, videos, location and contacts

3. Wide and lots of Application in the AppStore

4. no longer need to plug the device to pc. you can do it with the WiFi to back up or sync

5. you can set up the device without connecting the device to a MAC or PC

So again here comes the Question which is the Best one?
For me I think it depends on the user's need, for me I am planning to buy an Iphone but again Android give me a second thought.  Hopefully I can decide soon...as well as you...Thanks

Thursday, September 8, 2011

Music Rock and Roll

Eto na ang Bago kong napaglilibangan. sa Totoo lang dati ko pa itong hilig ang Musika.

Para sa una kong gusto i-share sa inyo ay ang malupit na musika ng "JET" Are You Gonna Be My Girl pero on Acoustics.


Ano ba ang meron sa Musika na ito bakit ko gustong i-feature...simple lang... as in simpleng tugtugan para sa akin ito ang isa sa mga magandang uri ng Musika ang pagiging SIMPLE... maliban sa pagiging ROCK n ROLL talaga ng musikang ito... 





Tuesday, July 19, 2011

Mackie

Hay medyo matagal tagal na rin akong hindi nakapag update ng blog sa puntong nakalimuta ko na itong buksan.

Pero eto may bagong kwento ako.

Meet Mackie ang bagong membro ng aming Gadget pamilya...

napunta siya samin last Saturday sa Technical University Training namin with Trend Micro "We are Number 1" . Isang magandang opotunidad para natuto at magsaya ang mga membro ng isang kumpanya.

Sa kalagitnaan ng gabi sa First day ng TEchU! cyempre may raffle...

Sa kabutihang palad ako ang nabunot...at eto na c MACKIE and IPAD 16GB wifi tablet...not bad...hehehe


Libre ng Trend Micro sa Amin Trend Micro Jacket na malupet at IPAD "Mackie"

 Mackie with PORKIE

Mackie sa BOX kasama si Wonderful Yellow Bonita

At cyempre sa amin ito ng asawa kong si Ang babeng Lakwatsera ung gift before our weeding

 
Maraming salamat Trend Micro

Wednesday, May 25, 2011

Birthday ko nung April

Sobrang naging busy ang karamihan sa mga kasamahan ko sa office. Di ko man lang napansin pati pala kami na ng asawa kong si AngBabaengLakwatsera naging busy narin kaya eto ngayon lang ulit ako nakapagblog.

Makalipas ang ilang buwan tsaka ko lang maiikukwento ang Birthday ko nung April

Di ako masyadong nagcecelebrate ng Birthday ko sana'y na ako sa greetings...hehehehe

Pero habang namamasyal kami ng asawa ko bigla syang nagsabi sa akin na may bibilhin lang kami at dahil masunurin akong asawa sinamahan ko siya at nagulat ako sa Red Ribbon kami lumiko at pinapili nya ako ng cake at ang napili ko ay ang Tiramisu Meltdown kasi mukhang masarap at di ko pa kasi natitikman...kahit kinukulit ko siya para sa Black Forest hehehe... tapos eto ang dedication.



Sobrang natuwa ako sa cake lalo na sa dedication nya para sa akin kasi ito ang unang cake ko na hindi roll for my birthday at sobrang ganda pa ng nakasulat...Yun nga lang umandar nanaman ang pagiging makakalimutin ko kaya nakalimutan ko ung pangalan ng kinainan namin Resto na sobrang sarap ng food at ang kinain namin ay Pesto pasta at Pizza na both Favorite ko.




O diba ang sarap ng kinain namin un nga lang low bat nga pala kami pareho kaya walang picture ung pizza o baka sa sobrang gustom mo kinain ko agad bago mapicturan...hahahaha
So Yan ang kwento ng isa sa pinaka masayang Birthday ng buhay ko kasama ang babaeng pinakamamahal ko...

Wednesday, May 4, 2011

Transform!!!i-o-o-oint

Hay... medyo natagalan bago ulit ako nakapag-post ng istorya tungkol sa mga bagay bagay na napagtitripan ko... busy ata ako hehehehe di ko alam kaya eto ang bagong luma kong ginawa last month.

Transforms trip:

Hindo ko malaman matapos ma-uso ang BEATS by Dr. Dre na Earphones sa opisina namin



may bigla nanamang sumingit sa eksena...nagbalik ang paborito ng mga kabataan at batang isip na katulad ko...TRANSFORMERS!!!


sobang daming bumili un nga lang short lived ang transformers parang 2 weeks lang wala na hayz....pero ang sarap maglaro ng transformers feeling bata ulit.



















Thursday, March 10, 2011

Ma Mon Luk

Di ko maalala kung anong date ito... Babaeng Lakwatsera ano nga bang date to??? basta nakalimutan ko, medyo mahina sa pagalala ng dates basta linggo ito...hehehehe

okay nagsimula ito na dapat sa isang food tasting ng isang caterer sa marika kami pupunta ni Ang Babaeng Lakwatsera. Eto tumawag na kami kung paano makakarating dun at nagconfirm, pero sa hindi malamang kadahilanan at tinamad kaming bigla at naisipan nalamang magmuni-muni at manood ng T.V. sa bahay...



Makalipas ang ilang oras eto na ang gutom...hmmmm saan kaya makakain na masarap? ang tanong ko sa Asawa ko...eto ang sagot nya gusto mo try natin sa Ma Mon Luk??? ang tanong ko Ano Yun?...Ang sagot nya hindi mo ba alam un? masarap ang food dun... ang sagot ko ay.....AH!!!un ba..."kahit hindi ko alam kung ano ung...ehehehe???

Nang makarating kami sa itinakdang lugar nagulat ako sa akin nakita...Lumang kainan pero ang daming tao...

Special Mami = 2
Special Siopao = 2
1 liter na Lemon C2

Eto ang inupakan namin sa Ma Mon Luk, Ay!!!....nakalimutan ko ang Masarap na extra sabaw....

So may konting time kami para magpicture picture...at makalipas ang ilang sandali napawi na ang uhaw at ang gutom...naubos na ang mga pagkain ngunit dumarami parin ang mga tao sa lugar na iyon...ano nga ba ang meron sa Ma Mon Luk???ewan basta masarap at sobrang nabusog ako....un lang baw!!!

Monday, February 21, 2011

Paano mo masasabing masarap magtrabaho???

Masarap magtrabaho... Kailan mo ba masasabing masarap magtrabaho???
Kapag sweldo na???

o

kapag sa araw araw na nasa trabaho ka masaya ka, nag-eenjoy ka at may sweldo pa!!!
O di ba mas ok ung ganon...

Tulad nito kwentuhan habang nagtatrabaho...hehehehe Ang Babaeng Lakwatsera (Sexy) at si Mrs. Romantiko 


Kwentuhan to the MAX ng iba pang officemates....


Pose kung pose kahit work related and usapan...


O serious looking na hindi kasi Scripted



Basta!!! Masaya ako sa trabaho ko kasi kasama ko mga kaibigan ko, enjoy na ako sa araw araw... may sweldo pa...hehehe meron bang trabahong walang sweldo??? hehehe ewan!!!



Thursday, February 17, 2011

Ang Sapatos at Karton ni MUKAMO

Isang magandang araw. eto nanaman ang isang kabanata ng aking buhay sa pang araw araw.

Ito ang isa sa minsan kong napupuntahang lugar kapag wala akong magawa at naghahanap ako ng makakausap.

Sa walang kadahilanan naisipan kong pasyalan ang bahay ni MUKAMO. Nang bigla kong malamang may reunion basketball game pala sila ng mga High School friends nila. Inabutan ko sayang nagreready for the game. Kinuha ang Jersey pati ang Shorts...nagMedyas at eto na ang Sapatos...Nang mapansin kong kumukuha rin siya ng Gunting at karton sa Tindahan ng Mommy nya....


Ano kaya ang gagawin nya sa Karton at Gunting???

Hmmm.... Feeling ko may art project muna siyang gagawin ng biglang

Eto na tinapakan ang Karton at Minarkahan ng ballpen ang wangis ng kanyang paa.
Napaisip ako BAKIT??? pati ang mga pinsan nya mommy nya at ung barkada nyang naghihintay ay napaisip din.
So tinignan ko ang sapatos eto...ung isang paa walang panloob at ung isa manipis na ang panloob.


Ayun naging malinaw na sa akin ang lahat gagawin palang panloob ng sapatos ang karton na Cut out at eto na ang mga sumunod na ngayari....


At talagang Effort kung Eport ang ginawa ni MUKAMO sa art project nya.

 Hindi pa siya nasiyahan sa ginawa nya at dahil NIKE daw ang sapatos nya hindi maaring hindi nya lagyan ng 
[check] ang cut out nya bago isoot...
At matapos ang lahat ayun sibat na kami sa kanikanila naming destinasyon...

NICE ONE MUKAMO!!!

Wednesday, February 2, 2011

After Calaruega Escape ( Gala ulit with Barkada )

Hay medyo napagod ako last weekend pero panalo parin kasi kasama ko ang asawa kong si Ang Babaeng Lakwatsera. Galing kasi kami ng Tagaytay after ng Work namin last Saturday diretso na kami dun. Kung Gusto nyo ang buong kwento eto un link. (Calaruega Escape).

The next day umuwi na kami from gala. Nang biglang magtext ang Kabarkada kong si Moon. Hindi ung Buwan ha...hehehe. Wala daw siyang pasok nung araw ng un...kasi Sunday...hehehe. Kasama daw namin si Buff Brai tambay lang. Un nga lang wala ung iba naming kabarkada medyo iba-iba ang sched kaya di masyadong magkita kita pero oks lang ng enjoy naman kami sa pag tambay at pagku-kwentuhan.

Eto nga pala sila.
Buff Brai Habang Chimichibog

Moonkris chichibog na rin

syempre ako to.

At eto ang malupit sa lahat. Sumama ako sa gala at ng nasa ATM na ako napansin kong wala pala akong ATM hahaha...buti nalang pinahiram ako ni Moonkris...Thank you pre

medyo natuwa si Buff Brai phone camera ko kaya eto ang resulta



So matapos namin kumain gala gala kami sa MALL wala lang para makapagkwentuhan lang habang naggagala.



Bago ko makalimuta eto pala ang kinain kong libre ni Moon


Matapos magsara ang Mall Tambay pa ng konti sa isang place then uwian na.

Pagadating sa bahay nahiga lang ako sa sofa then auto Shutdown ako...hehehe









Friday, January 28, 2011

MUKAMO!!!

Hay hindi ako nakatulog kaninang tanghali sa di malamang dahilan...kaya eto para akong Zombie hehehe... Pero kahit di ako nakatulog may maganda naman akong nagawa...Nagsimula ito ng magMotor ako paikot ikot lang sa lugar namin sa Bulacan, Nang bigla kong makasalubong si MUKAMO!!! at dahil naalala ko bibigyan nya daw ako ng 2 free Custom Designed T-shirts kinulit ko sya at un sabi nya mga around 5pm daw kami magkita sa House nila...


At eto na ang 5pm kanina habang kumakain ako sa tindahan nila ng Siomai nagusap kami ng Design para sa T-shirts ko at sabi ko sa kanya name namin ni "Ang Babaeng Lakwatsera" at eto ang design na naisip namin

 Medyo mahirap pala gawin ang mga design sa T-shirts kasi kahit paano tinulungan ko siya habang ginagawa ang mga shirts design, kaya sa sobrang tuwa ko sa nagawa namin eto na ang mga litrato...





  ako with the Man Himself MUKAMO!!!


Eto ang ilan sa mga instrumento nya sa paggawa ng mga Obra nya sa bawat disenyong hilingin sa kanya


At ngayong nandito na ako sa trabahong walang tulugan suot ko na ang likha ni MUKAMO!!! di baleng di pa nalalabhan masaya naman ako sa resulta e....heheheh


Salamat sa Regalo mo MUKAMO!!!





Thursday, January 27, 2011

Orange and Lemons to "The Camerawalls"

Hay naku habang nakikinig ako ng Music labang naglalakad papasok sa opisina bigla kong napakinggan ng Swebe at Melodic songs ng Orange and Lemons. Ang band na noong kasikatan nila kung saan saan mo naririnig ang "Pinoy Ako" ng PBB, "Let Me" & "Abot kamay" Sunsilk Commercial Song, "Blue Moon" ost ng Movie na BLUE MOON, Hanggang Kailan at marami pang iba. Alam naman ng lahat na na-Disband sila noon pa for reasons na hindi natin alam. 




So bigla kong nilipat ang musika sa Playlist ko ng The Camerawalls ng album na "A Pocket Guide To The Otherworld" bakit at sino nga ba sila ???

Joseph Rudica, Law Santiago & Clem Castro

Kasi ang Original member ng ONL na si Clem Castro ang lead vocals ng Indie Pop Band na ito at ang malupit pa doon...mas swabe at nakaka-relax ang tugtugan nila. 


Paglog-in sa office sinabayan agad ng research sa bandang Camerawalls...at napagalaman ko na nagpalit na pala ng isang member ang grupo umalis na si Ian Sarabia (Drums) makalipas i-release ang Single nilang The Sight of Love. featuring Turbo Goth.




Napalitan na pala siya ni Joseph Rudica (drums). At nagrelease na pala sila ng EP entitled Bread and Circuses


 at eto ung mga songs nila



Kung napakikinggan nyo ang mga songs at trip nyo why not? bumili ka na...


Ano pa kaya ang mga magagandang ideas (songs) ang susunod???