Paligoyligoy

Provide information, share experiences and anything under the sun...

Friday, January 28, 2011

MUKAMO!!!

Hay hindi ako nakatulog kaninang tanghali sa di malamang dahilan...kaya eto para akong Zombie hehehe... Pero kahit di ako nakatulog may maganda naman akong nagawa...Nagsimula ito ng magMotor ako paikot ikot lang sa lugar namin sa Bulacan, Nang bigla kong makasalubong si MUKAMO!!! at dahil naalala ko bibigyan nya daw ako ng 2 free Custom Designed T-shirts kinulit ko sya at un sabi nya mga around 5pm daw kami magkita sa House nila...


At eto na ang 5pm kanina habang kumakain ako sa tindahan nila ng Siomai nagusap kami ng Design para sa T-shirts ko at sabi ko sa kanya name namin ni "Ang Babaeng Lakwatsera" at eto ang design na naisip namin

 Medyo mahirap pala gawin ang mga design sa T-shirts kasi kahit paano tinulungan ko siya habang ginagawa ang mga shirts design, kaya sa sobrang tuwa ko sa nagawa namin eto na ang mga litrato...





  ako with the Man Himself MUKAMO!!!


Eto ang ilan sa mga instrumento nya sa paggawa ng mga Obra nya sa bawat disenyong hilingin sa kanya


At ngayong nandito na ako sa trabahong walang tulugan suot ko na ang likha ni MUKAMO!!! di baleng di pa nalalabhan masaya naman ako sa resulta e....heheheh


Salamat sa Regalo mo MUKAMO!!!





Thursday, January 27, 2011

Orange and Lemons to "The Camerawalls"

Hay naku habang nakikinig ako ng Music labang naglalakad papasok sa opisina bigla kong napakinggan ng Swebe at Melodic songs ng Orange and Lemons. Ang band na noong kasikatan nila kung saan saan mo naririnig ang "Pinoy Ako" ng PBB, "Let Me" & "Abot kamay" Sunsilk Commercial Song, "Blue Moon" ost ng Movie na BLUE MOON, Hanggang Kailan at marami pang iba. Alam naman ng lahat na na-Disband sila noon pa for reasons na hindi natin alam. 




So bigla kong nilipat ang musika sa Playlist ko ng The Camerawalls ng album na "A Pocket Guide To The Otherworld" bakit at sino nga ba sila ???

Joseph Rudica, Law Santiago & Clem Castro

Kasi ang Original member ng ONL na si Clem Castro ang lead vocals ng Indie Pop Band na ito at ang malupit pa doon...mas swabe at nakaka-relax ang tugtugan nila. 


Paglog-in sa office sinabayan agad ng research sa bandang Camerawalls...at napagalaman ko na nagpalit na pala ng isang member ang grupo umalis na si Ian Sarabia (Drums) makalipas i-release ang Single nilang The Sight of Love. featuring Turbo Goth.




Napalitan na pala siya ni Joseph Rudica (drums). At nagrelease na pala sila ng EP entitled Bread and Circuses


 at eto ung mga songs nila



Kung napakikinggan nyo ang mga songs at trip nyo why not? bumili ka na...


Ano pa kaya ang mga magagandang ideas (songs) ang susunod???



Tuesday, January 25, 2011

Paalam Trusty Zoom G1x

Isang magandang araw... Ito ang unang beses ko sa blog. Na-enggayo ako sa ginagawa ng asawa kong si "Ang Babaeng Lakwatsera"kaya eto nagtry din ako, Un nga lang sama agad ang post kasi nagpaalam na ang Zoom G1x guitar effects ko huhuhu...


Di naman ako pro guitar player. I take this as a hobby lang naman kaya sobrang sakit sa akin ng mamaalam ang isa sa nagpasaya sa libangan kong ito. Marami-rami naring tugtugan ang napuntahan ko kasama ang Zoom G1x ko mga invites sa Birthday ng barkada, Debut, tugtugan sa Church at lalong lalo na sa Company tugtugan (Company Parties).

Eto ang ilan sa mga napaggamitan ko nitong tropa kong si Zoom G1x.

   Escalation Team Party 2010 at Route 196

                                                  Company Christmas party 2010 SMX

                                                 Summer Outing Vista Marina Subic 2008

Pero medyo swerte na rin kasi may nagdonate ng stomp box ba tawag dun na "Boss Auto-wah" not bad hehehe..


para medyo malinaw eto picture nya...Salamat Jun


Di ba medyo matagal tagal ko na ring kasama si Zoom G1x sana may magdonate pa ng guitar effects (wish ko lang). Pero may mga time na kailangang magpaalam, baka may dumating na mas Ok...teka sa Movie yata ung line na un...hehehe nakalimutan ko ung title...

Sana in the near future makakuha ako ng mas ok na makakasama sa libangan ko na parang si Zoom G1x.

paalam di kita makakalimutan Zoom G1x...